Ang Southern California ay lugar ng lindol!
- Ika-150 anibersaryo sa 2007 ng huling “Big One” sa Southern California – isang magnitude 7.9 na lindol na gumawa ng higit sa 220 milya na bitak sa San Andreas fault sa pagitan ng Central California at San Bernardino. Ang buong lugar ay yumugyog nang malakas nang hanggang tatlong minuto!
- Ang mga malalaking lindol sa bahaging ito ng fault ay nangyayari kada 150 taon, kaya’t maaaring malapit na namang lumindol. Maraming mga scientist ang mas nag-aalala tungkol sa posibilidad ng isang malaking lindol sa pinaka-south na bahagi ng San Andreas, kung saan hindi lumilindol simula pa noong bandang 1680.
- Ang ganoong pangyayari ay maaaring mauwi sa malaking sira sa San Bernardino, Riverside at Imperial Counties. Ang malakas na lindol ay mararamdaman at malamáng na magdudulot din ng sira sa malalaking bahagi ng Southern California, kabilang ang mga lugar ng Los Angeles, Orange County, at San Diego Counties kung saan may maraming tao.
- Daan-daang ibang faults ang nagdaraan sa Southern California at sa ilalim nito, na maaari ring magdulot ng nakasisirang lindol bago pa ng susunod na malaking San Andreas na lindol.
Maghanda na ngayon para sa “Big One”
- Kahit saanmang lugar sa Southern California ay maaaring makaranas ng malalakas na lindol, at magdulot ng malalaking pinsala sa mga tahanan ng mga tao. Ang paninirang ito ay maaaring mauwi sa mga malubhang pinsala o kamatayan para sa mga nakatira doon.
- Mahigit sa kalahati ng mga pinsala noong lindol sa Northridge noong 1994 ay dulot ng nahulog na kasangkapan o mga bagay. Isang porsiyento lamang ng mga pinsala ang dulot ng sira sa gusali. Ang ibang mga pinsala ay dahil nahulog ang mga tao o delikado ang kanilang mga kilos.
- Bagama’t walang maaaring kumontrola sa kung paano sila yuyugyugin ng isang lindol, maaaring baguhin ng mga taga-Southern California kung paano sila maaaring masaktan nito sa pamamagitan ng pagkilos ngayon upang gawing matatag ang kanilang tahanan, ang kanilang lugar ng trabaho, at mga kasangkapan bago dumating ang susunod na lindol. Bukod pa rito, magkaroon ng plano para sa kalamidad at supplies kit, at alamin kung ano ang gagawin habang may kalamidad at pagkatapos nito. Ang lahat ng mga kilos na ito ay bahagi ng Ang Pitong Hakbang Para sa Kaligtasan Kapag may Lindol, na nakalista sa likod.
Ang Pitong Hakbang Para sa Kaligtasan Kapag may Lindol
Mula sa Putting Down Roots in Earthquake Country na makukuha sa www.earthquakecountry.info.
1. Alaman kung ano ang mga delikado sa iyong tahanan at ayusin ito – Dapat mong gawing matatag upang hindi mahulog ang anumang bagay na mabigat na makapipinsala sa iyo kung nahulog ito sa iyo, o maaaring masira nang husto kung ito’y nabasag. Magsimula na ngayon sa pamamagitan ng pag-urong sa mga mabibigat na bagay at ilagay ito sa mas mababang shelves, siguradahing maayos ang pagkakabit ng iyong water heater at ang mga mabibigat na kasangkapan sa itaas, at pagkabit ng mga electronic at mga mahahalagang bagay sa mga mesa upang sila’y hindi mahulog. Malalaman kung paano gagawin ito sa www.daretoprepare.org.
2. Gumawa ng plano para sa kalamidad – Magplano na ngayon kung ano ang gagawin ng bawat tao sa iyong tahanan bago, habang, at pagkatapos ng isang lindol. Magkaroon ng lugar kung saan kayo magkikita at isang kontak na nasa ibang estado. Matuto ng basic first aid. Planuhin kung ano ang gagawin kung maaaring magkasunog, maaaring mawalan ng utilities at basic services, at mga aftershock.
3. Gumawa ng supplies kits para sa kalamidad – Ang lahat ay dapat may personal disaster supplies kits, na magagamit para sa panahon ng maraming emergency. Magtago ng isang kit sa iyong bahay, isa para sa iyong sasakyan, at isa para sa trabaho. Ang bahay mo ay dapat may mas malaking household kit na may supplies na magtatagal ng tatlong araw hanggang isang linggo. Bisitahin ang www.earthquakecountry.info para sa isang kompletong listahan ng supplies na dapat mong isali.
4. Alamin kung saan mahina ang iyong gusali at ayusin ito – Mayroong maraming mga karaniwang bagay na makakabawas sa kakayahan ng isang gusali na hindi masira sa pagyugyog ng lindol, tulad ng hindi sapat na mga foundation, unbraced cripple walls, mga malambot na first floor at unreinforced masonry. Alamin kung ano ang itsura ng mga ito at ayusin ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagbisita sa www.daretoprepare.org.
5. Kapag may lindol: Dumapa, sumilong, at kumapit – Dumapa sa sahig, sumilong sa ilalim ng isang matatag na desk o mesa, at kumapit nang husto. Kung walang mesa sa tabi, dumapa sa sahig malapit sa panloob na dingding at takpan ang iyong ulo at leeg gamit ang iyong mga kamay. Huwag humarap sa mga bintana o mga salamin. Huwag subukang lumabas ng isang gusali kapag may lindol.
6. Pagkatapos ng isang lindol: Tingnan kung may mga pinsala at sira – Manatiling kalmado at alagaan muna ang iyong sarili. Kung maaari, tulungan ang iba at tingnan kung may mga pinsala. Bago magkaroon ng kalamidad, alamin kung ano ang gagawin kapag may tumutulong gas, may mga problema sa electrical, at mga tumapong kemikal sa www.earthquakecountry.info. Ang mga aftershock ay maaaring magdulot ng karagdagang sira kaya maghandang dumapa, sumilong, at kumapit.
7. Kapag ligtas na, patuloy na sundin ang iyong plano para sa kalamidad – Kung maaari, dalhin ang iyong disaster supplies kit at pumunta sa isang ligtas na lugar kung hindi ka makakapanatili sa iyong bahay. Makinig sa isang portable radyo para sa mga balita at tawagan ang iyong kontak sa ibang estado. Simulan ang iyong pagbangon sa pamamagitan ng pagsasaayos sa iyong pinansiyal na papeles at pagdodokumento ng anumang pinsala.
Tungkol sa Kampanyang Dare to Prepare
Pinagsasama-sama ng Dare to Prepare ang komunidad ng Southern California upang “pag-usapan ang ating mga fault” upang makapaghanda tayo bago dumating ang mga lindol. Bisitahin ang website para sa karagdagang impormasyon. Ang kampanya ay organisado ng Earthquake Country Alliance, isang partnership ng mga taong propesyonal ng lindol, mga emergency manager, mga binotong opisyal, mga pinuno sa pangangalakal ng komunidad, at iba pa.